^

Pang Movies

Kim nakipag-dinner sa multo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim nakipag-dinner sa multo!

May kababalaghan palang nangyari kina Kim Chiu at mga kasamahan habang nagsu-shooting ng comedy-horror flick na (DOTGA) Da One That Ghost Away.

Kwento ni Kim sa presscon, parang haunted na rin daw kasi ang bahay na pinagsyutingan nila sa New Manila at wala nang nakatira. Minsan daw ay biglang bumukas ang air conditioner sa bahay nang wala namang nagbubukas kaya natakot silang lahat.

“Nagte-text-text po kami, may moment kami na parang social media break. Tapos biglang nag-on ‘yung aircon, waaaah, takot talaga kami. Sayang nga, walang BTS (behind the scenes shots), umabot kami du’n sa labas, du’n sa parking-an,” kwento ni Kim.

Kaya nga raw since then, sama-sama silang lahat kahit ano pa ang ginagawa nila.

“Sama-sama kami, kahit kumain, kahit umihi, tatlo kami. Kaming lahat, nagtatakutan kami, isang tent kami, pag umaakyat kami ng hagdan, sama-sama kami,” kwento pa ng aktres.

Nakadagdag pa ng takot nila, sa tuwing naglalakad daw sila ay nagi-squeak ang floor na parang sa mga napapanood nating haunted house sa horror films.

“Kasi wala nang nakatira sa bahay na ‘yun na mansyon. Tapos, sobrang luma niya talaga. Ang luluma na ng salamin, ‘yung kubeta, ganyan,” sey pa niya.

Pero sa pelikulang ito rin niya naranasan ang maging sobra-sobrang bonded sa cast which also includes Ryan Bang, Maymay Entrata, Edward Barber, Chokoleit, Enzo Pineda, Odette Khan, Marissa Delgado at marami pang iba.

“Ito na yata ‘yung pinaka-bonded (with the cast) na pelikula ko sa tanang showbiz life ko na sabay kami mag-breakfast, sabay kami mag-lunch, sabay kami mag-dinner sa isang mahabang lamesa.

“Ang dami namin, kahit ‘yung mga multo, kasabay naming kumain. Para talaga kaming pamilya. Na makikita mo dito sa pelikula, sobrang bonded kami. Ito ‘yung movie na walang pretensions, walang nagpaka-big star na ‘matagal na akong artista.’ Tita Odette, tita Marissa, kasama naming kumain, tatawa rin sila. Sumasali rin sila sa games namin na Charades,” kwento pa ni Kim.

Showing na ang DOTGA sa April 18 (a day before Kim’s birthday) mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes under Star Cinema. Birthday wish ng aktres na sana raw ay manood ang lahat ng tao ng kanilang pelikula.

Arci umaming muntik nang mabaliw

Kwento ni Arci Munoz, sobrang okay daw katropa ni Piolo Pascual na leading man niya sa rom-com series na Since I Found You.

Napakagalante raw ng aktor at parating nanlilibre.

“Sobraah! Sobra talagang galante ni Papa Pi. Kaya siya sobrang blessed kasi sobrang genuie niyang tao, sobrag bait niyang tao talaga. Kaya everybody loves him. Alam mo napaka-lovable niya,” pahayag ni Arci.

Huling drama series ni Arci sa ABS-CBN ay ang Magpahanggang Wakas na sobrang bigat daw talaga. Kaya parang breath of fresh air sa kanya itong Since I Found You dahil light lang ito.

“Sobrang bigat talaga nu’n, pabaliw na nga ako nu’n sa Magpahanggang Wakas, naiuuwi ko ‘yun talaga. Nauuwi ko ‘yung bigat.”

Bale ba, three months pa lang daw namamatay ang daddy niya nang ibigay sa kanya ang soap na ‘yun at ganu’n pa kabigat.

“Pero kung hindi ko naman siya tatanggapin baka lalo akong mabaliw. Baliw na nga ako, baka lalo pa akong mabaliw pag walang ginagawa. So, ginawa ko. Malay ko ba na ganu’n kabigat. Grabe talaga, tumaba ako. Sobrang affected,” kwento pa niya.

Sa Since I Found You, light na raw ang soap ay light pa kasama ang mga cast kaya pati pakiramdam niya ngayon ay magaan.

Bukod dito, happy pa ang love life niya with her businessman boyfriend na si Anthony Ng kaya naman sobrang inspired siya these days.

 

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with