^

Police Metro

Ex-cop na naging drug pusher, tiklo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga pulis ang isa nilang dating kabaro na naging drug pusher sa isang drug bust operation kamakalawa ng gabi sa Tuktokan St., Brgy. Masambong, Quezon City.

Ang naarestong suspek na itinuturing na High Value Target ay kinilalang si dating PO3 Wilborn Lava, alyas R1 at Sarge, 46, may-asawa, residente ng No. 67 West Riverside St., Brgy. Del Monte, Quezon City.

Sa ulat, bago isinagawa ang buy bust operation dakong alas-6:30 ng gabi ay nakatanggap ang pulisya ng reklamo sa mga residente tungkol sa illegal activities ng suspek.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng droga sa P14,000 at habang iniaabot ang droga ay agad itong pinosasan.

Nasamsam sa suspek ang dalawang  plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P28,000 at P13,000 boodle money na tig-iisang libo na hinihinalang kita sa pagbebenta ng droga. Si Lava ay napasok sa PNP noong 1998 at itinalaga bilang liaison officer sa Regional Personnel and Human Resource Development Division (RPHRDD) sa loob ng 17-taon. Inilipat ito sa National Capital Region Police Office (NCRPO) noong 2015 at bigla na lamang itong nag-AWOL.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with