^

PSN Showbiz

Dennis ibinukong may relasyon na sina Julia at Joshua!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Kinumpirma ni Dennis Padilla sa presscon ng The Barker na may relasyon na ang kanyang anak na si Julia Barretto kay Joshua Garcia. Gustung-gusto ng entertainment writers si Dennis dahil hindi uso sa kanya ang mga off-the record.

SCENE: Mahirap interbyuhin si Empoy Marquez dahil mga biro ang sagot niya sa mga seryoso na tanong sa kanya. Palaging may “joke lang” na kasunod ang mga sinasabi ni Empoy.

SEEN: Sumakay ng helicopter si Alden Richards noong Huwebes mula sa Laguna para hindi siya ma-late sa kanyang meet-and-greet sa SM Fairview. Napilitan si Alden na sumakay sa chopper dahil matindi ang trapik noong Huwebes.

SEEN: Mararamdaman ni John Lloyd Cruz na hindi siya mami-miss ng showbiz kapag nag-umpisa na ang indefinite vacation niya dahil marami ang mga bagong artista na dumarating, sumisikat at mas karapat-dapat na idolohin ng publiko.

SCENE: Hot momma si Sarah Lahbati kahit three months pregnant sa second child nila ni Richard Gutierrez dahil seksi pa rin siya.

SEEN: “Butch Francisco ng Bagong Panahon” ang pakilala ni Mr. Fu sa sarili dahil borta rin ang pangangatawan niya gaya ng former co-host ng Startalk.

SCENE: Ngayon ang 67th birthday ni Jimmy Santos. Kinakantiyawan pa rin si Jimmy ng Eat Bulaga Dabarkads dahil sa milyun-milyong piso na napanalunan niya sa casino.

SEEN: Magaganap sa October 21 ang church wedding ni Lolieta, ang Sugod Bahay winner, sa kanyang boyfriend na si Ernie. Thirty-nine years na ang relasyon nina Lolieta at Ernie. Sagot ng Eat Bulaga ang lahat ng gastos sa church wedding nila.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with