^

Probinsiya

Police station inatake ng NPA!

Joy Cantos, Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Isang police sub-station ang nilusob ng mga rebeldeng new People’s Army at pinaggugulpi ang mga pulis at saka tinangay ang kanilang mga armas sa tabi ng munisip­yo ng Amulung, Cagayan noong Huwebes ng hapon. ?

Ayon kay Cagayan Valley Police Director, Chief Supt. Eliseo Rasco, may 30 rebeldeng naka-camouflage uniforms ang suma­lakay at tumangay ng dalawang .9mm baril, isang M14 at apat na M16 armalite rifle sa himpilan matapos gulpihin ang mga pulis pati ang pinuno na si SPO4 Emmanuel Vergara.?

Tinangay din nila ang isang Mahindra patrol vehicle na kinalaunan ay natagpuang sunog at ina­bandona sa Brgy. Pacac, Peñablanca, Cagayan.

Sinabi ng isa sa mga rebelde ang “Huwag na ka­yong lumaban para mabuhay kayo, baril lang ang ka­ilangan namin”.?

Matapos ito, nahuli sa isang checkpoint si David Soriano alyas Ka Rosa habang sakay ng Starex van (WML 500) sa Brgy. Camasi at drayber niyang si Jude Malana Cipriano. 

Si Soriano ay kalihim ng CPP-NPA Regional Party Committee na prime suspect sa pagpatay kay Mayor Carlito Pentecostes Jr. sa nilusob niyang munisipyo sa Gonzaga noong 2015 at umatake sa construction depot sa Baggao noong 2016 na ikinasawi ng anim na pulis.

PEOPLE’S ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with