^

PSN Showbiz

Scarlet at Letizia ginagawan na ng isyu

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kapapakilala pa lamang sa publiko ng anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho pero nagkalat na ang mga larawan ni Scarlet Snow Belo sa mga national road ng bansa. Ito ay dahil nag-eendorso siya ng bagong line of products ng Belo Medical Group.

At ngayon pa lamang ay nagsisimula nang isa­bong si Scarlet Snow sa anak naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Baby Letizia. Nakagawa na rin ng commercial ang anak ng dalawang Kapuso artists.

Sana lang hanggang dito lang umabot ang rivalry ng dalawang bata. Napakabata pa nila para magsimula nang maintriga.

Andi napansin sa Cannes!

Akalain mo, napili si Andi Eigenmann ng isang pa­mosong magasin sa Europa bilang isa sa mga best-dressed na rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival sa France. Gawa ni Patty Ang ang gown na isinuot niya. Isang malaking accomplishment ito ng batang aktres na nasorpresa sa kanyang victory. Kasama niyang rumampa sa red carpet ang cast ng Ma’ Rosa na sina Jaclyn Jose, Ma. Isabel Lopez, Neil Ryan Sese at ang direktor nito na si Brillante Mendoza. Ang pelikula ay kasali sa pagpi­pilian bilang Best Picture. I’m sure na dadami ang kliyente ng designer at marami ang magkakainteres na makita ang gown na ginamit ni Andi.

Kris parang buryong na sa bakasyon

Siguradong inip na inip na rin si Kris Aquino sa kanyang bakasyon sa Hawaii. Kahit kasama ang da­la­wa niyang anak, may mga pagkakataon na ma­pag-iisa siya. Dito siya dadalawin ng pagkainip at ma­mi-miss ang trabahong naglagay sa kanya sa posisyong kinalalagyan niya ngayon.

Yes, for sure mami-miss ng dating presidential sister ang napakaganda niyang trabaho rito, ang marami niyang tagahanga at tagasubaybay na ganun na nami-miss din siya.

Dawn tinablan kay Piolo!

Hindi nahiya ang beteranang aktres na si Dawn Zulueta na amining sa kanyang gulang ay nakakaram­dam pa rin siya ng atraksyon sa ibang lalaki, matangi sa kanyang asawang si Anton Lagdameo.

Pinakaulit-ulit niya ang pangyayaring habang sino-shoot nila ni Piolo Pascual ang Love Me Tomorrow ay hindi niya ito matingnan ng diretso, mata sa mata lalo’t sa istorya ay dapat kakitaan siya ng atraksyon sa kan­yang mas nakakabatang kapareha, maski na sa mga eksena nila na galit na galit siya rito.

“Ayaw ko ng tinititigan niya ako, natutunaw ako,” paliwanag niya.

Raikko at Diego dala-dalawa ang ina

Pamilya ang humuhubog sa ating pagkatao mula kabataan hanggang paglaki, ngunit paano kung hindi normal ang kinagisnang tahanan? Ito ang matu­tunghayan sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi sa pagtatampok ng kwento tungkol sa kakaibang pamilya ni Rommel (Raikko Matteo/Diego Loy­zaga).

Sa iisang bubong, kasama niyang nakatira ang kanyang inang si Mila (Precious Lara Quigaman), ama na si Rody (Jay Manalo) at ang asawa nitong si Bita (Andrea del Rosario).

Kahit na pilit na kinukumbinsi nina Mila at Bita si Rommel na swerte siya sa pagkakaroon ng dala­wang ina, madalas itong tinutukso ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang kakaibang pamilya. Na­guguluhan man sa kumplikadong relasyon ng kanyang mga magulang, parehong itinuturing ni Rommel na ina sina Mila at Bita.

Ngunit dahil sa pagmamalupit ni Rody ay napilitan si Bita na iwan ang kanilang kumplikadong sitwasyon.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dondon Santos at panulat ni Benson Logronio. Pinamumunuan ito ng business unit head na si Malou Santos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with