^

PSN Showbiz

Pero paninira sa kontra-KC: Paulo may isa pang anak sa ibang babae

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Para siguro sa pasimuno ng tsismis na dalawa na ang anak niya, ang post ni Paulo Avelino sa IG na “Rumors are carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots.”

Ang caption ni Paulo sa pinost na quotation ay “They ain’t gonna bring me down.” Ang tsismis, mas nauna kay Aki, anak niya kay LJ Reyes ang sinasabing anak ni Paulo sa ibang babae at babae raw ang bata. Pero wala namang detalye tungkol dito, kaya hindi kapani-paniwala ang tsismis.

Saka, bakit ngayon lang lumabas ang tsismis na ito? Kung totoo, sana lumabas na noong ipinanganak pa lang si Aki, pero bakit ngayon lang kung kailan nali-link si Paulo kay KC Concepcion?

Tama yata ang fans nina Paulo at KC na galing lang ang tsismis sa mga taong ayaw na magkaroon ng relasyon ang dalawa.

May mga naniniwala lang sa tsismis, kaya siguro nag-react na si Paulo sa paraan niyang tahimik at pagpo-post ng quotations. Napansin lang namin na kung marami ang kinikilig sa Paulo-KC love team, marami rin ang ayaw kay Paulo para kay KC at si Piolo Pascual pa rin ang gusto nila para sa aktres.

Kris ipinangalandakan na ang pagbabalik-Kapuso ni Aljur

Inunahan ni Kris Bernal ang GMA Network sa pagbabalitang balik-GMA-7 na si Aljur Abrenica dahil masaya niya itong ibinalita sa kanyang Instagram (IG). Nag-post din si Kris ng series of pictures nila ni Aljur nang magkita sila sa network.

Heto ang post ni Kris sa IG: “A special someone surprised me at my taping today, I hadn’t seen him for nearly a year! We have barely texted each other! I’m just soo happy to see him in GMA grounds today! He made my day! Walang nagbago...except that he’s sexier and a whole lot better! Awwww...I miss everything about him! Higpit ng yakap at walang katapusang chika! He’s sooo back! Excited to work with him again...I wish it’s soon! Let’s not be narrow-minded and negative anymore! Let’s just all be happy for him! I dedicate this photo to all SOLID ALRISIANS na matagal naghintay, umasa, at sumuporta! Aljur Abrenica, we’re all tuned in for your come back.”

Mas marami ang natuwa kesa nagnega sa balitang ito, kaya tama si Kris, move on na lang at i-welcome back si Aljur. Ang sabi, lalabas si Aljur sa Sunday All Stars sa Sunday at sunud-sunod na ang pag-apir niya sa shows ng Ch. 7, kaya hintayin na lang natin.

Tinext namin ang talent manager na tumutulong maayos ang problema ni Aljur sa GMA-7 para i-congratulate ito na nakatulong siya para makabalik ang aktor sa home network nito.

Kasunod nang pagbabalik ni Aljur sa GMA-7 ang request ng fans nito na bigyan agad siya ng show dahil na-miss nila ang aktor. May gustong ipareha siya kay Kylie Padilla, may humihingi ng take two with Louise delos Reyes, pero mas marami ang nagre-request ng balik-tambalan nila ni Kris.

Yasmien tapos na ang problema sa anak na naospital

Masayang ibinalita ni Yasmien Kurdi na maga­ling na ang anak niyang si Ayesha Zara na na-confine sa St. Luke’s Medical Center Global City dahil nilagnat, nagtatae, at nagsusuka. After one week, na-discharge na ang bata kahapon.

Bago ang anak, si Yasmien muna ang na-confine sa St. Luke’s dahil sa dengue at nataranta ito dahil bumaba ang kanyang platelets. Mabuti na lang at naagapan ng doctors ang kondisyon niya at nagpasalamat sa suggestion ng followers niya sa IG kung ano ang dapat niyang kainin.

Ilang araw din naospital si Yasmien, hindi siya nakapag-taping ng Yagit. Mabuti na lang at nakapag-taping siya in advance kaya kahit may sakit, patuloy siyang napapanood sa Afternoon Prime ng GMA-7. Hindi nabanggit ni Yasmien kung saan siya nakagat ng lamok.

Picture nina Karylle at Antoinette na magkasama pinagtaasan ng kilay!

Iba’t ibang reaction ang nabasa namin nang makita ang picture na magkasama sina Karylle at Antoinette Taus. May natuwa, may nagtaas ng kilay, at may awkward ang feeling dahil may common denominator ang dalawa’t pareho silang ex-girlfriends ni Dingdong Dantes.

Medyo pangit pa nga ang tsismis nang maging sina Dingdong at Karylle, pero ‘wag na nating buksan dahil pare-pareho na silang masaya sa kanilang mga buhay. Umabot sa 3,615 ang nag-like sa picture nina Karylle at Antoinette, ibig sabihin, marami talaga ang natuwa at mas marami ang positive comments.

Samantala, kasama pala si Antoinette sa ­Bri­dges of Love ng ABS-CBN kaya masaya ang loyal fans nito na muli siyang mapapanood regularly sa TV simula March 18.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

AKI

ALJUR

ALJUR ABRENICA

KARYLLE

LANG

PAULO

ST. LUKE

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with