^

Pang Movies

Juday gustong makita si Pope Francis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaapaw sa kagalakan si Judy Ann Santos-Agon­cillo sa nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Sabado.

Aminado si Juday na tuwang-tuwa siya at touched sa gagawing pangungumusta ni Pope Francis sa kalagayan ng mga Yolanda survivors. Ibinahagi ng award-winning host ng hit game show na  Bet On Your Baby na paraan rin ito ni Pope Francis para himukin ang sambayanan na tibayan ang tiwala sa Diyos.

 “Ang lakas makabuhay ng puso kapag mapuntahan ka at makita mo si Pope Francis. Sana lahat tayo makaramdam na may mga tao sa paligid natin na tutulong at magbibigay ng inspirasyon sa atin para hindi mawala ang tiwala natin sa Diyos,” ani ni Juday.

Suot ang kanyang #POPETYSM shirt, sinabi rin ni Juday na gusto niyang makita si Pope Francis kung mayroong pagkakataon.

 “Para sa akin kung mabibigyan ng chance, bakit hindi. Makita mo from afar si Pope ay bonus na sa akin yun,” dagdag ng host.

Samantala, nagpapasalamat rin si Juday sa patuloy na pagsuporta sa kanyang game show at nangakong mas bongga pa ang papremyo sa Bet On Your Baby ngayong 2015  tuwing Lunes hanggang Biyernes alas-5 ng hapon sa ABS-CBN.

vuukle comment

AMINADO

BET ON YOUR BABY

BIYERNES

DIYOS

JUDAY

JUDY ANN SANTOS-AGON

POPE FRANCIS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with