^

Metro

Granada nakuha sa park sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang M33 fragmentation grenade ang natagpuan sa isang park makaraang paglaruan ng isang bata sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay Inspectyor Noel Sublay, hepe ng Quezon City Police-Explosive Ordnance Division, isang malakas na uri ng granada ang M33 na maaring makapinsala sa maraming tao kung sumabog.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-8 ng umaga nang ma­rekober ng Police Station 10 ang granada makaraang isuko ito ng isang babae na nangangalkal ng basura.

Ayon sa babae, nakita niyang pinaglalaruan ng batang lalaki ang granada sa Bernardo Park sa Kamuning at sa takot na sumabog ito ay kinuha niya at kusang dinala sa na­sabing himpilan ng pulisya. Inaalam ngayon ng awtoridad kung papaano napunta sa lugar ang granada at kung sino ang naglagay nito sa nasabing park.

vuukle comment

AYON

BERNARDO PARK

INAALAM

INSPECTYOR NOEL SUBLAY

ISANG

KAMUNING

POLICE STATION

QUEZON

QUEZON CITY POLICE-EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with