^

Police Metro

2 lalaki na boboto dedo sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng limang kalalakihan ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na patungo sana sa polling precinct para bumoto kaugnay ng barangay elections naganap kahapon sa Brgy. Poblacion, Toboso, Negros Occidental.

Namatay noon din si Lione Belleza at idineklarang dead-on-arrival sa Vicente Bustillo Hospital sa Escalante City si Brian Bacordo habang nakaligtas sa insidente si Daniel Sabillo na nagawang tukuyin ang limang suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-7:00 ng umaga habang patungo ang mga biktima sa polling center para bumoto.

Lulan si Sabillo ng motorsiklo na sumusunod kina Belleza at Bacordo na magkaangkas naman sa motorsiklo nang habulin sila ng isang lalaki na sakay ng kotse habang sakay rin ng motorsiklo ang apat nitong kasama.

May ilang distansya na lamang ang mga suspek sa mga biktima na supporter umano ng kalaban ay agad na pinagbabaril ang mga ito.

Nang masigurong patay na ang mga target ay mabilis na tumakas ang mga suspek  na nakilala ni Sabillo na ang sakay ng kotse ay isang Gary Enriquez na diumano ay  kandidato at ang apat nitong kasama ay kinilala niyang sina Regie Palarca, isang alyas Toto Kaskas, isang alyas Toto Maton at Tata Walter.

Nagsagawa ng follow-up operations ang mga otoridad upang matukoy kung  may kinalaman sa halalan ang pagpatay sa mga biktima.

 

vuukle comment

BRIAN BACORDO

DANIEL SABILLO

ESCALANTE CITY

GARY ENRIQUEZ

LIONE BELLEZA

NEGROS OCCIDENTAL

REGIE PALARCA

SABILLO

TATA WALTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with