Creamline inangkin ‘twice-to-beat’

MANILA, Philippines — Winalis ng Creamline ang Farm Fresh, 25-19, 25-18, 25-18, para upuan ang No. 2 spot tangay ang mahalagang ‘twice-to-beat’ bonus sa semifinals ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Pumalo si Tots Carlos ng 12 points, habang may 10 markers si Bernadeth Pons.
Tinapos din ng Cool Smashers ang kanilang three-game losing slump para labanan ang No. 3 Choco Mucho Flying Titans sa semifinals na hahataw sa Martes.
“Kapag Choco Mucho naman ’yung kalaban, laging maganda ’yung laro,” sabi ni Creamline spiker Jema Galanza.
Haharapin naman ng No. 4 Foxies ang No. 1 Nxled Chameleons, armado ng ‘twice-to-beat’ advantage, sa isa pang semis match sa parehong venue.
Hawak ang 18-17 bentahe sa third set, nagsanib-puwersa sina Carlos, Pons at Galanza para ibagsak ang isang 7-1 bomba at kumpletuhin ang sweep sa Farm Fresh.
Humataw si Trisha Tubu ng game-high 18 points para sa Foxies na nagwakas ang tatlong sunod na ratsada.
May siyam na puntos si Ara Galang.
- Latest


















