^

Metro

Abusadong pulis, sisibakin sa serbisyo – NAPOLCOM

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Abusadong pulis, sisibakin sa serbisyo – NAPOLCOM
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, nais ng komisyon na mahikayat ang mas maraming biktima na magsalita at magsampa ng reklamo laban sa mga umaabusong pulis, kasabay ng pagsisimula ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.
STAR / File

MANILA, Philippines — Hinimok ng ­National Police Commission (NAPOLCOM) ang mga babaeng biktima ng karahasan sa tahanan, lalo na ang mga inaabuso ng kanilang asawa o kinakasamang pulis, na huwag matakot magsumbong upang mapanagot ang mga salarin.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, nais ng komisyon na mahikayat ang mas maraming biktima na magsalita at magsampa ng reklamo laban sa mga umaabusong pulis, kasabay ng pagsisimula ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.

May temang “UNiTEd for a VAW-free Philippines” ang kampanya na naglalayong palakasin ang pagkilos ng publiko upang tuluyang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan.

Sinabi ni Calinisan na maaaring humingi ng tulong ang mga biktima sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Philippine National Police (PNP) na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa. Tumatanggap din aniya ang NAPOLCOM ng mga reklamo laban sa mga pulis na sangkot sa pang-aabuso.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with