Impeachment trial matatapos bago December break - Ping

MANILA, Philippines — On track na matapos ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio bago mag-December break ang Senado, ayon kay Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Lunes.
Sinabi ni Lacson na posible ito dahil sa maayos at disiplinadong pangangasiwa ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero sa mga paglilitis, gayundin sa pahayag ng defense panel na tatlo hanggang apat na testigo na lamang ang kailangan nitong iharap.
“Kakayanin ‘yan, kasi disiplinado naman ‘yung aming presiding officer, tansyado niya. At nag-usap-usap na rin kami sa caucus na kailangan matapos namin ito bago mag-December break,” aniya.
Maliban kung may hindi inaasahang pangyayari, inaasahan ng impeachment court na magpapatuloy ang paglilitis sa Disyembre 1, ayon kay Lacson.
Magsisimula naman sa Disyembre 19 ang adjournment ng sesyon ng Senado.
Sinuspinde ang paglilitis noong nakaraang linggo upang mabigyan ng panahon ang Senado na talakayin at aprubahan ang 2027 budget bill.
- Latest



















