Boyet at Lorna, ‘di iniinda ang pagod s a Quiapo…

Kung kelan busy sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino sa Batang Quiapo ni Coco Martin saka sila mas happy.
Talagang hindi nila iniinda ‘yung pagod nila sa paggawa ng mga eksena dahil very physical ‘yung scenes nila sa serye na Batang Quiapo. Enjoy sila dahil ang bait ng staff at ni Coco kaya naman talagang at home na at home sila. At sobrang thankful si Coco na hanggang ngayon sobra ang pagtutok ng viewers sa kanyang serye.
Bongga talaga ang eksena nila gabi-gabi.
Naku ang ganda talaga lalo na ‘pag nakakaramdam ka ng galit sa characters nina Christopher at Lorna. Hindi puwedeng hindi ka maka-relate dahil nadadala ka ng mga eksena at dialogues.
Isang bagay talaga ang ipagmamalaki ni Coco, maintained niya ang quality ng kanyang serye. Kaya naman hanggang ngayon, bongga ang Batang Quiapo.
Arnell, bagay sa talk show ng mga OFW
Naku talagang tawang-tawa ako kay Arnell Ignacio ha. Sa totoo lang ‘yung love/hate namin ni Arnell Ignacio noon pang magkasama kami sa paglilibot sa US at Middle East.
Tuwang-tuwa ako dahil kaloka ang mga kuwento ni Arnell na isang OFW mula sa Malaysia ang girl Friday na always ready ipakita ang photo ng BF ha. Parang pareho sila ni Arnell na puno ng ilusyon ang buhay.
‘Katawa kausap talaga ni Arnel na talagang isang komedyante kaya palagay ko bagay sa kanya ang isang talk show na parang Dear Arnel kung saan ang mga problema ng OFW ang pinag-uusapan.
- Latest





















