^

Police Metro

Misis, na may ka-chat, todas kay mister

Ed Amoroso, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang misis matapos na ­ataduhin nang saksak ng kanyang mister na matapos makitang may ka- chat umano ng isang lalaki naganap sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Admiral, Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal nitong Sabado.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si alyas “Rosalie”, 41-anyos, Habang tumakas naman ang mister nitong si alyas “Jimmy”, 46-anyos.

Sa imbestigasyon, alas-8:45 ng umaga ay katatapos lang kumain ng mag-asawa kasama ang 21-anyos na anak na babae nang mapansin ng mister ang pagkikipag-chat ng biktima sa isang messa­ging app.

Nakita ng suspek na lalaki umano ang ka-chat ng misis ngunit bigo siyang mabasa ang mensahe.

Nagselos ito at tinawag ang anak upang siya ang magbasa ng mensahe sa cellphone ng ina.

Ikinagalit ito ng biktima na nauwi sa matin­ding pag-aaway hanggang sa pumasok  na sa kwarto at sinundan ng suspek.

Narinig ng anak ang malakas na sigaw ng ina kaya napilitang pumasok sa silid ng magulang, na inakala niyang sinuntok lamang,

Subalit, nakita niya ang kamay ng ama na hawak pa ang patalim at ­ilang beses pang ­inundayan ng saksak sa dibdib ang ina.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay agad na lumabas ng bahay ang mister at tumakas.

Nakatakdang kasuhan ng pulisya ang mister na parricide

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with