^

PSN Opinyon

Mayaman pala ang mga Duterte?

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Mayaman pala si Sara Duterte? Iyan ang lumitaw sa pinakabagong RapidPoll ng RPMD. Sa 3,500 respondents, 80% ang nagsabing naniniwala silang mayaman ang Vice President, 15% ang nagsabing hindi, habang 5% ang undecided o walang sagot.

Mahalaga ang numerong ito dahil iba ito sa imaheng matagal nang nakakabit sa Duterte brand—simple, makamasa at hindi marangya. Bahagi ng kanilang appeal ang impresyong hindi sila katulad ng tradisyunal na political elite.

Sa impeachment trial, tinalakay ang kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth. Ayon sa rekord, ang declared net worth niya ay mula P7.25 milyon noong 2007 ay umabot sa P98.656 milyon noong 2025. Sinuri rin ang business interests at corporate records.

Kabilang dito ang GenCorp Industries, na nakalista sa kanyang 2024 at 2025 SALNs. Naging bahagi ng paglilitis ang government contracts ng kumpanya, habang magkaiba ang pagbasa ng prosecution at defense sa mga rekord.

Sapat ba ang paliwanag ng kampo ni VP Sara upang makumbinsi ang publiko? Kung 80% ang naniniwalang mayaman siya, kumbinsido rin ba sila kung saan at paano nabuo ang kayamanang iyon? Hindi iyan tinanong.

Ang ‘RapidPoll’ ng RPMD Foundation Inc. ay ­isinagawa noong September 24-28, 2026 sa online interviews ng 3,500 respondents nationwide, may iniulat na ±2% margin of error. Kinatawan ang lahat ng socio-economic classes. Sinusukat nito ang public perception, hindi legal guilt.

Ang pagiging mayaman ay hindi krimen. Hindi rin awtomatikong ilegal o nakatago ang yaman kapag lumaki ang declared net worth o may business interests. Ang alegasyon ng unexplained wealth ay kailangang patunayan sa ebidensiya at tamang proseso.

Si VP Sara saklaw sa ‘RapidPoll’. Hindi kasama sa 80% finding si dating Pres. Rody Duterte, Mayor Baste Duterte o Cong. Pulong Duterte. Pero dahil iisang political brand ang dala nila, maaaring umabot sa buong pamilya ang perception kay Sara. Kaya ang tanong: kung kumbinsido ang 80% na mayaman siya, kumbinsido rin ba ang bayan kung saan nagmula ang kayamanan?

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with