^

PM Sports

Gilas dapa uli sa Korea

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas dapa uli sa Korea
Natameme sa 4-19 simula ang Gilas at natambakan pa ng hanggang 37 puntos, 16-53, para sa ikalawang sunod na pagkapanis kontra sa dating karibal.
PBA Image

MANILA, Philippines — Semplang uli ang all-PBA Gilas Pilipinas kontra sa South Korea, 69-42, para sa bokyang kampanya sa Hana Bank Invitational kahapon sa Suwon KT Sonicboom Arena.

Natameme sa 4-19 simula ang Gilas at natambakan pa ng hanggang 37 puntos, 16-53, para sa ikalawang sunod na pagkapanis kontra sa dating karibal.

Nauna nang tumaob ang Gilas sa South Korea, 81-55, kamakalawa tampok sina Justine Baltazar ng Converge at Adrian Nocum ng Rain or Shine bilang natatanging double-digit scorers sa 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa ikalawang paghaharap, si Zavier Lucero ng Magnolia lang ang nakagpagpasiklab sa 14 puntos, ilang araw bago sumalang ang Gilas sa Asiad men’s basketball sa Nagoya, Japan sa Setyembre 11.

Bida naman si Yu Ki-Sang na may 15 puntos habang may 14 at 11 puntos din na ambag sina Yeo Jun Seok at Lee Hyun-Jang, ayon sa pagkakasunod.

Litaw ang kawalan ng karanasan at chemistry ng Gilas na bagong buo lang ni head coach Tim Cone upang matokang depensahan ang trono ng bansa sa Asiad.

Hiwalay at iba ito sa koponang lumaban sa Window 4 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers at nagwagi kontra sa Jordan, 82-81, at Iran, 68-56.

Lilipad ngayon pa-Japan ang Gilas upang doon na ipagpatuloy ang preparasyon bago harapin ang Bahrain, Kazakhstan at China sa Group C ng men’s basketball.

Wagi ang Gilas noong 2023 Asiad matapos silatin ang host na China at talunin ang Jordan sa finals upang mawakasan ang 61-taong pagkakatugom ng bansa sa gintong medalya.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with