^

PM Sports

No Picnic

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Resulta pa lang ng dalawang tune-up matches versus Korea eh nagpapahayag na ng masalimuot na kampanya ang Gilas Pilipinas sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games.

Tambakekok ang Nationals sa dalawang laro – 55-81 at 42-69.

Pero talaga naman mahirap ang sitwasyon ng bagong Gilas group na ilang araw lamang nagsama-sama sa training.

Tatlong araw na lang ang preparasyon ng 11-man group na binubuo nina Robert Bolick, RJ Abarrientos, Adrian Nocum, Don Trollano, Zav Lucero, Brandon Ganuelas-Rosser, Sedrick Barefield, Brandon Bates, Jerrick Ahanmisi, Justin Arana at Justine Baltazar. At isasalang na sila sa giyera.

Sana naman makalagpas sa group play at umabot sa knockout round. Unang laban nila ang Bahrain sa Biyernes, susunod ang Kazakhstan sa Sabado at huli ang China sa Lunes.

Top bet ang China sa Pool C. Ang habol ng Gilas eh at least second place for automatic spot sa second round.

Pero siguradong hindi walk in the park o picnic ang laban kontra Bahrain at Kazakhstan.

Parehong may momentum na sinasakyan ang dalawang koponan galing sa katatapos na kampanya sa FIBA Asia Cup Pre-Qualifiers sa Dubai. Hindi kasali ang Gilas doon dahil galing sila sa FIBA Asia Cup proper last year.

Perfect 4-0 ang showing ng Bahrain, gaya ng Palestine. Nasa likuran nila ang Kazakhstan na may 3-1 record.

Gaya ng China, malaki at bruskong koponan ang Kazakhstan. Mas maliit ang Bahrain, pero kilala rin na koponan na may athleticism at physicality sa paglalaro.

Karamihan sa Gilas Asiad team eh debutants sa international play. Nagsaad naman sila ng commitment na yakapin ang pressure at ang oportunidad na makapagpakita habang suot ang Team Phl jersey.

Isa sila sa koponan na sasalang kaagad sa laban bago pa ang Opening Ceremonies sa Sept. 19. Pagkakataon din ito sa kanila na makapagbigay ng good start sa 433-strong Philippine delegation.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with