^

Bansa

Sara bilang ‘public enemy number one’, walang basehan - Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sara bilang ‘public enemy number one’, walang basehan - Malacañang
Dumalo si Vice President Sara Duterte sa Senado kaugnay ng panukalang 2027 budget ng Office of the Vice President (OVP) nitong Huwebes. Humihiling ang OVP ng P785.2 milyong badyet para sa 2027, na mas mababa ng 11 porsiyento kumpara sa inilaan nitong pondo noong nakaraang taon.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Malacañang nitong Huwebes bilang “walang basehan” at “walang kuwenta” ang pahayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte na itinutu­ring siyang “public enemy number one” ng administrasyong Marcos.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty .Claire Castro na pagsagot sa naturang alegasyon ay pag-aaksaya lamang ng oras.

“Walang basehan, walang kuwenta, huwag nang pag-aksayahan ng oras,” ani Castro.

Sa isang panayam kamakailan sa media, inakusahan ng spokesperson ni Duterte at abogado na si Salvador Paolo Panelo Jr. ang administrasyong Marcos na ginagawa ang lahat upang pabagsakin ang Bise Presidente.

Binanggit din ni Pane­lo ang umano’y mga dokumentadong banta sa seguridad laban kay Duterte at sa kanyang pamilya.

Sinagot din ni Castro ang panawagan ni Duterte sa Supreme Court (SC) na muling pag-isipan ang desisyon nitong ibasura ang pinagsama-samang habeas corpus petitions na kumukuwestiyon sa pag-aresto at paglilipat sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Castro,  dapat dumaan ang Bise Presidente sa tamang legal na proseso kung hindi siya sang-ayon sa naging desisyon ng pinakamataas na hukuman.

“Nagsalita na po ang Supreme Court. Wala pong puwedeng magkuwestiyon sa pamamagitan lang ng pagsasalita sa media,” ani Castro.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with