^

Probinsiya

2 puganteng Korean huli sa fraud!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 puganteng Korean huli sa fraud!
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jonghun An, 25-anyos, at Jin You, 29-anyos; kap­wa nakatira sa Sabella Village, Barangay Panungyanan, Gen. Trias City, Cavite.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

GENERAL TRIAS CITY, Cavite, Philippines — Arestado ang dalawang South Korean national na kapwa “wanted” sa kanilang bansa dahil sa mga kasong may kinalaman sa financial at economic fraud sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad, dito sa lungsod, noong Martes ng tanghali, Nobyembre 24, 2026. 

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jonghun An, 25-anyos, at Jin You, 29-anyos; kap­wa nakatira sa Sabella Village, Barangay Panungyanan, Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat ng Cavite Provincial Intelligence Unit (PIU), alas-12:30 ng tanghali nang isagawa ang pagsalakay ng mga operatiba ng PIU sa pangu­nguna ni Police Captain Michael Legaspi Jr. at direktang superbisyon ni Police Lt. Col. Alfonso Saligumba III kasama ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), Naval Intelligence, at Korean Interpol, sa tinutuluyan ng mga dayuhan at isinilbi sa dalawa ang magkahiwalay na Interpol Red Notice na inilabas laban sa kanila.

Si An ay may Red Notice (Control No. A-11208/7-2026) na may petsang Hulyo 16, 2026 dahil sa paglabag sa Article 15-2(1) ng Special Act on the Prevention of Loss Caused by Tele­communications Based Financial Fraud and Refund for Loss, habang si You ay may Interpol Red Notice (Control No. A-15880/9-2026) na may petsang Setyembre 30, 2026 para sa paglabag sa Article 3-1 ng Act of the Aggravated Punishment of Specific Economic Crimes (Fraud).

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with