^

Police Metro

Pagkalas ni Mans Carpio sa Cale88, pinagdudahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagdudahan ng pro­secution panel ang tiyempo nang biglaang pag-alis ni Atty. Manases “Mans” Carpio na binawi umano ang puhunan sa Cale88 Foods Corporation na nasa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng misis nitong si Vice President Sara Duterte na isa sa interes ng kaniyang negosyo.

Ito ang inihayag nina Deputy Speakers Janette Garin ng Iloilo at Jefferson­ Khonghun ng Zambales, igiit na dapat suriing ma­buti ang paglilipat ng pag­mamay-ari lalo na matapos na mabigo ang Cale88 na humingi ng paunang pag-aapruba mula sa Board of Investments (BOI).

Base sa 2024 General­ Information Sheet ng Cale88, kinilala si Carpio bilang shareholder na may 47.5% na bahagi (stake) pero hindi na lumabas ang kanyang pangalan sa listahan ng mga shareholder sa 2025 filing ng kumpanya matapos naman ang anunsyo na isasalang sa impeachment si VP Sara.

Kinuwestiyon ni Khong­hun kung bakit naganap lamang ang paglilipat ng pagmamay-ari nang magsimulang makakuha ng aten­syon ang mga paratang ng hindi maipaliwanag na paglobo ng kayamanan ni VP Sara na bahagi ng Article II na nililitis sa impeachment court.

Nabatid na  ipinagbi­gay-alam ng kumpanya sa BOI ang pagbabago sa pamamagitan ng isang kahilingan na may petsang Hulyo 8, 2026, na inaprubahan naman ng ahensiya noong Oktubre 29.

Nagdulot din ng pagdududa ang nasabing paglilipat matapos tumestigo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na wala itong nakitang rekord na sumasaklaw sa pagbebenta o paglilipat ng mga shares ni Carpio sa Cale88.

CALE88

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with