Sarah, may jowa reveal na?!

Birthday ni Sarah Lahbati kahapon, Oct. 9, at kung tama ang tsika, pinili rin nitong araw to hard launch the guy na special sa kanya ngayon. Sa birthday celebration ni Sarah with some friends, spotted ang guy, katabi niya ito sa upuan, pero hindi magkadikit na magkatabi, may space between them.
Sa isang photo, makikitang nakaakbay si Sarah sa guy at may isa pang photo na nasa beach sila at magkayakap din.
Mukhang foreigner ang guy na sa ngayon, hindi pa natin alam ang pangalan.
Pero, sa sipag ng netizens na mag-imbestiga, siguradong ilang araw lang mula ngayon, malalaman na ang pangalan ng special guy ngayon sa puso ni Sarah.
Wala naman sigurong isyu kung magkaroon ng love life si Sarah dahil matagal na silang hiwalay ni Richard Gutierrez. Saka, happy si Richard ngayon sa piling ni Barbie Imperial, dapat lang na maging masaya rin sa Sarah sa bagong pag-ibig.
Ang maganda pa, tanggap ng dalawang anak nina Richard at Sarah si Barbie as Richard’s GF, siguro naman, matatanggap din ng dalawang bata kung may bagong partner ang mom nila.
Will, nagpasalamat sa panginoon
Very proud director si Kip Oebanda dahil tatlo sa cast ng movie niyang Bar Boys: After School ang nanalo ng acting award sa Gawad Urian. Nanalong Best Actor si Carlo Aquino, Best Supporting Actor si Will Ashley, at Best Actress si Odette Khan.
Bahagi ng mahabang post ni direk Kip, “I always say I don’t care about awards for myself but always for my actors. Alam ko kasi kung gaano kahirap umarte at mag-navigate sa napakagulong mundo ng showbiz. Alam ko ang anxiety ng actors. Ngayon malaking parte ng oras ko ay nauubos sa workshops dahil kung walang mahuhusay na aktor, marami ang hindi magagawang kwento. The two best actor winners last night were two actors that wanted to quit acting. Mommy Odette was in grave medical danger early this year and almost didn’t make it.”
Sa kanyang Instagram, pinost ni Will ang reels ng acceptance speech niya:“Ikaw lahat ‘to, Panginoon.”
Ikinuwento ng aktor ang buhay niya at pagkawala ng kanyang ama.
Sunod na mapapanood si Will sa Amir, ang entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2026 Metro Manila Film Festival. Airing naman sa Oct. 19 ang pagbibidahang Delivery Boi sa GMA Afternoon slot.
Gary, sinugod ng DDS!
Ang daming nagalit na Duterte Diehard Supporters o DDS kay Gary Valenciano dahil sa interview nito kay President Bongbong Marcos sa podcast niyang Unshaken with Gary V. May isang nag-comment na kain-suka raw si Gary dahil lang sa interview niya sa Pangulo.
Sinang-ayunan ito ng iba pang DDS, may nag-comment pa na hindi kataka-taka kung mas pabor si Gary kay BBM dahil daw sa bayaw niyang si Senator Kiko Pangilinan. May nagsabi pa na dati nang maka-BBM si Gary at naging Kakampink lang nang kumandidatong presidente si Leni Robredo.
Ang sunod nitong maba-bash ay si First Lady Liza Araneta-Marcos dahil sa kwento patungkol sa kanya ni Gary. Nabanggit ni FL that she was touched na naalala pa ni Gary ang pag-uusap nila three years ago. Short exchange lang ‘yun, kaya lang, tiyak na bibigyan ng ibang meaning ng bashers ni Gary at bashers ni FL.
- Latest























