^

Pang Movies

Female seller na sikat, hindi umubra ang kaartehan sa awarding

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

GETTING a dose of her own medicine ang isang kilalang online seller nang recently eh magbigay ng recognition ang app na nagbigay sa kanila na maging online seller!

Halos lahat ng online seller na parte ng app eh present na except sa female seller na ito! Eh malakas pa naman siyang magbenta kaya may parangal sa kanya.

‘Yun nga lang, halos patapos na ang parangal eh hindi pa dumarating si female seller. Itinuloy lang ang bigayan ng recognition kahit wala pa siya!

Hanggang sa matatapos na ang parangal nang dumating si female seller. ‘Yun nga lang, hindi na siya isinama sa binigyan ng parangal dahil sa attitude niyang maging center of attraction para nagpa-late!

Umakyat na lang siya sa stage pero wala nang masyadong palabok ang pagkilala sa kanya!

VMX Babes, pinilahan

ERASED na ang salitang Babes sa bagong female sexy group ng Viva na VMX Babes!

Anim lahat ang bumubuo ng VMX Babes – Ataska, Zsara Laxamana, Sky Gonzaga, Rhian Rivera, Micaella Raz at Christy Imperial.

Humarap muna sila sa ilang members ng media at vloggers bago ang special launching ng debut single nilang Jugjog sa pampainit na show nila sa Viva Café last Wednesday night.

Pangarap na nila ang mailabas ang talent nila sa pagkanta at pagsasayaw. Dumaan sila sa pangmalakasang training.

Subalit kahit nabuo na sila eh gagawa pa rin sila ng VMX movies. Handa na rin naman silang harapin ang lahat ng ibabato sa kanilang paninira! Basta, gagawin lang nila ang gusto nilang mapasaya ang mga tao.

Sa tanong kung sino ang gusto nilang maka-collab sa kanta, nagsabi sila ng grupo at indibidwal. Pati si Zsara ay nagsabi rin at may hirit na, “Puwede na rin ang mga ate!” na ang tinutukoy niya eh ang Viva Hot Babes.

Kagabi inilabas ang music video nito sa lahat ng streaming platforms at sa mediacon, paglabas namin ng Viva ay may nakapila nang mga kalalakihan upang saksihan ang VMX Babes!

Dingdong, nag-drag

NA-MISS naming mapanood ang episode kagabi ng The Master Cutter kung saan isa sa nagsuot bilang drag contestant si Dingdong Dantes. Hindi ko nakita kung naka-drag din si Ketchup Eusebio pero nakita ko sa isang post na pati si Kelvin Miranda eh naka-drag!

May sinalihan kasi silang drag contest upang mailigtas ang mga batang biktima ng human trafficking kasama ang anak ni Dong sa series na si Sienna Stevens at ang iba pang bata.

Of course walang issue kung naka-drag si Dong basta importante sa kuwento at sigurado naman siya sa sexual preference nila pati ang ibang kasama niya sa grupo! May mga aktor kasing hindi kayang magsuot ng pambabae sa screen!

Eh patapos na next week ang season 1 ng The Master Cutter at papasok na sa season 2 kaya nag-leave muna siya sa Family Feud!

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with