^

Probinsiya

3 bata todas sa napulot na bomba!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
3 bata todas sa napulot na bomba!
Map of Isabela with Roxas highlighted
Wikipedia / Mike Gonzalez

Pinaglaruan

ROXAS, Isabela, Philippines — Tatlong menor-de-edad ang nasawi habang lima pa ang sugatan kabilang ang 85-anyos na lola nang sumabog ang isang hinihinalang bomba na kanilang napulot at pinaglaruan sa Purok Raniag, Barangay Sinamar, Roxas, Isabela, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina John Mark M. Peralta, John Yohan J. Binuyat at Emmanuel C. Disamito.

Si Peralta, 8-anyos at Grade 3 learner na unang tinukoy sa alyas na “JM,” ay kabilang sa mga kritikal na nasugatan at kalaunan ay unang idineklarang patay sa ospital.

Batay sa paunang imbestigasyon, may ilang­ bata umanong nakapulot ng isang metal na bagay at pinaglaruan ito bago naganap ang pagsabog.

Ayon sa isang saksi, nakita niyang naglalakad ang mga biktima sa kalsada bago makarinig ng malakas na pagsa­bog at makita silang mga nakabulagta na sa lupa. Agad na isinugod ang mga biktima sa Manuel A. Roxas District Hospital para sa lunas pero magkakasunod na nasawi ang tatlong bata.

Patuloy namang inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan at pinagmulan ng nasabing metal na bagay na sumam­bulat.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung granada o iba pang uri ng pampasabog ang nasabing bagay.

Patuloy ang imbestigasyon at pangangalap ng ebidensya, habang pinaalalahanan ang publiko na huwag hawakan o lapitan ang anumang kahina-hinalang bagay at agad itong ireport sa mga awtoridad.

ISABELA

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with