^

Probinsiya

PCG: Chinese research ship, naispatan sa EEZ ng Ilocos Norte

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese research vessel ang muling namataan sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa ulat ni Philippine Coast Guard (PCG) for the West Philippine Sea spokesperson Rear Adm. Jay Tarriela nitong Linggo, natunton sa karagatang sakop ng Burgos, Ilocos Norte ang Tan Suo Er Hao, isang deep-sea research ship na pinatatakbo ng Chinese Academy of Sciences.

Ayon kay Tarriela, agad nagpadala ang PCG ng barko at eroplano upang hanapin at padalhan ng radio challenge ang naturang sasakyang-pandagat. Namataan ito ng PCG aircraft may 49 nautical miles sa hilagang-kanluran ng Burgos ngunit hindi umano tumugon sa mga ipinadalang radio challenge.

Sinabi ni Tarriela na pumasok ang barko sa Phi­lippine EEZ noong Nobyembre 26 matapos umalis sa Sanya, Hainan, at nananatili pa rin sa loob ng EEZ habang mabagal na paikut-ikot ang kilos, na aniya’y indikasyon ng survey operations at hindi simpleng paglalayag lamang.

Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at Philippine Maritime Zones Act, kailangan ng pahintulot ng gobyerno ng Pilipinas para magsagawa ng marine scientific research sa loob ng EEZ. Gayunman, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), walang aplikasyon para sa naturang aktibidad na isinumite kaugnay ng Tan Suo Er Hao.

Dahil dito, iginiit ni Tarriela na ilegal ang anumang survey operation ng barko sa loob ng Philippine EEZ nang walang pahintulot ng Pilipinas. Hindi rin aniya ito ang unang pagkakataong namataan ang naturang barko sa karagatan ng bansa.

EEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with