Jessica Soho, waging ‘journalist of the year’

Patuloy na nagsisilbing pamantayan ng kahusayan sa media ang beteranang broadcast journalist na si Jessica Soho, matapos siyang hirangin ng Esquire Philippines bilang ‘Journalist of the Year’ para sa taong 2026.
Tinanggap ni Soho ang parangal sa seremonya ng ‘Man at His Best Awards’ ng Esquire Philippines noong Nov. 19 sa Okada Manila.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Soho na itinuturing niya ang pagkilalang ito bilang isang pagpapakita ng tiwala sa ginagampanan ng mga journalist sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng industriya. “We journalists must continue holding the powerful and the corrupt accountable,” sabi niya na kasalukuyan pa ring napapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Hinikayat naman ni Soho ang mga katulad niya na panatilihing may alam ang sambayanang Pilipino, lalo na sa mga mahihirap na panahon.
Sa 43rd anniversary niya sa media industry, inialay ni Soho ang kanyang parangal sa kanyang KMJS team at nagpasalamat sa kanyang mga kasamahan sa GMA News at GMA Public Affairs.
“Laban lang, guys. Let’s keep fighting the good fight,” Soho urged.
Twenty two years na ang KMJS, na nangunguna pa rin—sa telebisyon man o online— noong Setyembre 2026, batay sa datos mula sa Nielsen TV Audience Measurement.
Sa kanyang panayam para sa Esquire Philippines na Jessica Soho: ‘The Journalist is Not the Star, binigyang-diin niya rin na kahit mahirap isalaysay ang ilang mga kuwento, kailangan pa rin itong marinig ng publiko.
“I think now more than ever, I feel we’re needed. Kasi we can’t just give up, ‘di ba? Sino’ng magbabalita?” Soho said.
- Latest























