^

Police Metro

VP Sara, binansagan ang PNP na ‘enforcement arm’ ng mga politiko

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinawag ni Vice President Sara Duterte ang Philippine National Police (PNP) na umano ay naging ‘enforcement arm’ ng mga politiko.

“It would be in the best interest of the Philippine National Police (PNP), as an i­nstitution, for its Chief to refrain from paying lip service to the claim that the organization is apolitical—a claim that virtually every Filipino knows to be untrue. The PNP, in practice, has become the enforcement arm of politicians”, wika ni Duterte sa kanyang social media accounts.

Ang pahayag ay ginawa ni VP Sara matapos na una nang sabihin ng PNP na wala silang isinagawang rescue o release ng dating household staff member ng bise presidente at apat pang iba pang indibidwal, na una nang ibinunyag ng kanyang kampo na pinipigil at pinipilit umanong papirmahan ng dokumento laban sa kanya.

 Ayon sa PNP, ang naturang dating staff members ni Duterte ay hindi binihag nang samahan ng mga pulis ang kanilang mga abogado sa isang hotel sa Taguig City noong Nobyembre 17.

Gayunman, sinabi ni VP Sara na hindi naman nagsagawa ng kaukulang imbestigasyon ang PNP hinggil dito.

Ibinunyag din ng bise presidente na mayroon silang hawak na mga dokumento ng ilang pagbabanta ng mga PNP personnel laban sa kanya, mga miyembro ng Office of the Vice Presidente at maging sa kanyang pamilya.

Aniya hindi ito basta mga persepsiyon lamang o political accusations dahil ito ay mga dokumentadong insidente.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang bise presidente na hindi na nila maipiprisinta ang mga naturang pagbabanta sa impeachment proceedings laban sa kanya dahil sa ginawa ng prosekusyon na aniya ay malisyosong pagbawi ng grave threats charges laban sa kanya.

Ipinaliwanag pa ni VP Sara na nang sabihin umano niya na hindi na ligtas ang kanyang pakiramdam sa bansang ito, ang tinutukoy niya ay hindi lamang ang kanyang sarili.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with