Alex at Mikee, hands-on sa panganay

Hindi naging madali sa mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada ang pagnanais na magkaroon ng anak.
Bago nabiyayaan ng supling ay tatlong beses nagka-miscarriage si Alex, nung 2001, 2023 at nung 2024. Pero hindi sumuko ang mag-asawa.
It was in August this year nang isilang ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ang first baby nila ni Mikee, si Isaac Gerard.
Walang kapantay na kaligayahan ang naramdaman ng mag-asawang Alex at Mikee magmula nang isilang si Isaac na makikita sa kanilang mga social media posting.
Sa kabila ng kanilang busy schedules, parehong hands-on parents ang mag-asawa.
Katrina, tumutulong sa mga kakontemporaryong walang-wala
Hindi ikinakaila ng dating sexy actress-turned successful businesswoman na si Katrina Paula na 16 years old umano siya nang siya’y magbuntis at 17 naman nang siya’y maging GRO sa club. May anak na rin siya noon bago siya nag-showbiz at nagpa-sexy sa mga pelikula. Pero hindi tulad ng ibang sexy stars and actresses, natuto sa buhay si Katrina, nakapag-ipon at nakapundar ng mga negosyo.
Dalawa sa apat na anak niya ay pareho nang tapos sa kanilang pag-aaral. Ang kanyang panganay na si Nicole ay isang licensed pilot habang nasa media naman ang pangalawa. Ang dalawa niyang younger boys ay pareho pang nag-aaral at ang mga ito ay mag-isa niyang iginapang.
Sa kanyang pagpupursigi sa buhay, nakapagpundar si Katrina ng sarili niyang bahay, sasakyan at negosyo. Meron na rin siyang dalawa pang pag-aaring bahay at isang building na siyang bumubuhay sa kanilang mag-iina.
Kumikita na ang kanyang panganay gayundin ang kanyang second daughter na si Athena kaya dalawa na lamang ang kanyang pinapag-aral.
Hindi rin maramot si Katrina sa pagtulong sa kanyang kakontemporaryo na walang naipon at walang-wala ngayon.
Sa rami ng sinuong na hirap at challenges noon si Katrina, bina-value niya ang perang kanyang pinaghirapan lalupa’t mag-isa niyang iginapang ang kanyang mga anak.
- Latest




















