^

Metro

P975 milyong lote sa UBelt binili ng Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

UdM may sarili ng ‘tahanan’

MANILA, Philippines — May sarili nang “tahanan” ang Universidad de Manila (UdM) matapos na mabili ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang walong magkakadikit na lote sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue mula sa Land Bank of the Philippines sa halagang P975 milyon.

Inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagbili kasabay ng paglagda sa Contract to Sell sa Manila City Hall kahapon, Nobyembre 12. Ani Domagoso, nagkakahalaga ng P2.3 bilyon ang mga ari-arian ngunit napababa ito sa P975 milyon matapos makipagnegosasyon ang lungsod.

May kabuuang lawak na 7,000 metro kuwadrado ang mga lote na may mga harapan sa Recto Avenue at Bilibid Viejo. Gagamitin ang lugar upang pagsama-samahin ang mga pasilidad ng UdM na kasalukuyang magkakahiwalay sa iba’t ibang lokasyon.

Sa bagong campus, madaragdagan ang mga silid-aralan mula 48 tungo sa 84, bukod pa sa walong bagong laboratoryo. Inaasahan ding tataas ang kapasidad ng unibersidad na tumang­gap ng mga estudyante mula 9,000 hanggang 20,000.

Sinabi ni Domagoso na matagal nang kailangan ng UdM ang isang permanenteng lugar upang matugunan ang problema sa magkakahiwalay nitong pasilidad. Ayon naman kay Landbank president at chief executive officer Lynette V. Ortiz, handa ang bangko na magbigay ng karagdagang pondo para sa pagsasaayos ng mga gusali at paglalagay ng digital payment system sa unibersidad.

Sa ilalim ng kasunduan, babayaran ng lungsod ang halaga ng mga ari-arian sa pamamagitan ng hulugan. Kapag ganap nang nabayaran, ililipat ang titulo sa pangalan ng UdM upang matiyak na mananatili itong pag-aari ng unibersidad sa kabila ng pagbabago ng administras­yon. Target na ganap na mapatakbo ang bagong kampus pagsapit ng 2028.

Dumalo rin sa nasabing seremonya si UdM President Dr. Ma. Felma Carlos-Tria.

UNIVERSIDAD DE MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with