^

Metro

P524.27 million agriculture products, nakumpiska sa Valenzuela

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P524.27 milyong halaga ng mga agricultural products sa isang warehouse sa Barangay Dalandanan, Valenzuela City, dahil sa kawalan ng mga dokumentong magpapatunay sa legal na importasyon ng mga ito.

Katuwang ng BOC sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI), Department of Agriculture (DA) at Philippine Coast Guard (PCG) matapos matukoy ang mga iregularidad sa imbentaryo at dokumento ng mga produkto.

Sa isinagawang imbentaryo, nakabilang ang 99,289 sako ng pulang sibuyas na nagkakahalaga ng P372.3 milyon; 20,886 sako ng beans at legumes na nagkakahalaga ng P103.7 milyon; at 18,016 kahon ng luya at carrots na nagkakahalaga ng P26 milyon. Nagmula ang mga ito  sa China, Argentina, Australia, Indonesia, India, Myanmar, at Egypt ang ilan sa mga produkto.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, binigyan ng 15 araw ang mga may-ari ng warehouse upang magsumite ng mga dokumentong magpapatunay na legal ang importasyon ng mga produkto. Maaari silang maharap sa kasong paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024 kapag nabigong mapatunayan ang legalidad ng mga ito.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with