^

PSN Showbiz

Jinkee, nilaro ang sagot sa bashers ng payong!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, nilaro ang sagot sa bashers ng payong!
Janet at Jinkee Pacquiao.
STAR/ File

Ang kuwela ng pag-handle ni Jinkee Pacquiao sa bashing dahil sa pagpayong sa kanya ng bodyguard habang naglalakad siya papuntang gym para mag-pickleball.

Hindi niya dinedma. Sinagot niya ito at ipinaliwanag kung bakit siya pinapayungan ng kanyang bodyguard.

“OA lang yung bodyguard. Hindi ako nag-ano ng bodyguard ko. Si Manny lang yung nag-assign na mag-bodyguard. Pero ako, hindi ako nag-ano na mag bodyguard ako.”

May kasunod pa silang post, na isang grupo silang naglalakad papuntang gym na mukhang mga kalaro niya ito sa pickleball. Pinapayungan sila, at kasama rito ni Jinkee ang kakambal niyang si Janet. May nagsasabi pang, “Ang payong!” Ayusin ang pagpayong.” At meron pang nagsasabing “Thank you sa mga basher ha?”

Hanggang sa nakarating sila sa gym na pinapayungan pa rin sila.

Ogie at Regine, susunod kay Annie!

Tuluy-tuloy ang production ng musical play ng The Philippine STAR, Viva Communications at Newport Performing Arts Theater.

Noong Sabado nagtapos ang pangalawang musical play nilang Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical, at bago ibinaba ang kurtina, inilunsad na nila ang kasunod nilang production, ang Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical.

This time, hindi lang ang tatlong production, kundi apat na sila.

Sabi ni Mr. Miguel Belmonte ng PhilStar, apat na raw silang partners dito sa susunod nilang produksyon.

Hindi lang ang PhilStar, Viva at Newport, kundi pati na rin ang produksyon ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

“Four partners na ngayon. Hindi lang sila talents, producers na rin,” pakli ni Sir Miguel.

Kaya nandun si Ogie sa final performance ng Bongga Ka ‘Day, dahil nga sa announcement na ito na ang Kailangan Kita ang isusunod. “I hope you’ll come next year. May 2027 until about July. Hope to see you,” dagdag niyang pahayag.

Nabanggit na ito ni Regine nung nagpa-presscon siya nung September para sa Finale concert niya. Ani Regine, “I’m very excited about that.

“I haven’t done a musical for a while. So, yeah! So apparently, busy ako next year. Hindi talaga ako magre-retire. Kasi may musical ako. We’ll be doing most of his (Ogie) songs.”

Sandali rin naming nakausap si Ogie bago ang announcement at sinabi nga niyang magsisimula na raw silang magpa-audition para sa musical play na ito. “So, in about two weeks, mag-start na ‘yung auditions. So… and then rehearsals, maybe January hanggang April,” pakli pa niya.

Samantala, congratulations din sa lahat na bumubuo ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical dahil successful ang buong run nito.

Sabi ni Sir Miguel Belmonte, mas maraming sold-out na gabi itong Bongga Ka ‘Day. “From what I know, this Bongga sold very well. In terms of ticket sales, sobrang bilis na-sold-out ang mga show. Shorter run naman siya kesa sa Bagets. Ticket sales, mas malakas ‘to. Sponsorship, mas malakas ‘yung Bagets.

“Ang importante at the end, parehong kumita. Para puwede pa tayo mag-produce ng next.”

Ang isa pang dapat talagang i-congratulate ay si Annie Batungbakal mismo, si Atasha Muhlach.

Ang laki ng in-improve niya kung ikukumpara sa unang performance niya, at nakikita talaga kay Atasha na ine-enjoy niya ang kanyang ginagawa.

‘Yun din nga ang ikinatuwa ni Charlene Gonzalez-Muhlach nang makapanayam namin nung gabing ‘yun.

“I’m happy. It’s a nice journey. A nice experience for Atasha. So... I’m very, very happy for her. And she’s also gained her family with Annie Batungbakal family. I’m very happy for her,” pakli ni Charlene.

Proud si Charlene sa kanyang dalaga, dahil nakikita raw niya ang dedikasyon ni Atasha sa ginagawa niya. “Super enjoy siya. Grabe ‘yung energy niya, sa stage from beginning til end talaga. ‘Yung love and passion talaga ni Atasha, nandiyan talaga sa lahat na ginagawa niya. That’s one thing that I admire in Atasha. And also, the fact that she takes new challenges. Every time, hindi siya takot to believe in herself. To be able to take the opportunity to grow as an artist,” saad ni Charlene.

Pagkatapos nitong final performance ng Bongga Ka ‘Day ay nakatakdang umalis silang pamilya para sa out-of-town vacation. “Tonight, pupunta kaming out of town with the family.

“For the long weekend. ‘Yun lang muna. Hindi kami nagpaplano beyond that. But, we’re going as family out of town,” tugon ni Charlene.

JINKEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with