^

Metro

Tala, Bagbaguin cemeteries, handa na sa Undas 2026

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ininspeksiyon ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Tala at Bagbaguin Cemetery upang matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagdagsa ng mga bisita sa Undas 2026.

Kabilang sa paghahanda ng lungsod ang pag-aaspalto ng mga daanan, pagtatabas ng mga sanga at damo, at paglilinis at pagpipintura ng mga sementeryo. Ayon kay Melbar Reed G. Lazaro, opisyal ng Cemetery Services Administration, gagamitin ang Gates 1, 2 at 3 bilang pasukan at labasan sa Tala Cemetery, habang iinspeksiyunin din ang mga dalang gamit ng mga bisita.

Hanggang Oktubre 28 lamang papayagan ang pagpapalibing at Oktubre 29 ang huling araw ng paglilinis ng mga puntod. Tinatayang 150,000 hanggang 200,000 katao ang bibisita sa Tala Cemetery, habang 50,000 hanggang 60,000 naman sa Bagbaguin Cemetery.

Hinimok ni Malapitan ang publiko na panatilihin ang kalinisan at kaayusan at sumunod sa mga alituntunin ng lungsod upang matiyak ang ligtas na paggunita sa Undas.

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with