Mendoza, bagong BOC chief
Nepomuceno lilipat sa BCDA
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno na iiwanan na niya ang kanyang kasalukuyang puwesto upang pamunuan ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Ito ay kasunod na rin ng panibagong balasahan sa mga pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Nepomuceno, papalitan niya si Joshua Bingcang bilang pangulo at CEO ng BCDA.
Samantala, nabatid na si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Charlito Mendoza naman ang papalit kay Nepomuceno bilang bagong pinuno ng BOC.
Ang BCDA ay isang state-owned corporation na siyang naatasan na i-convert ang mga dating military bases at iba pang ari-arian ng pamahalaan bilang economic hubs.
- Latest


















