Dizon, nairita sa wasak na kalsada sa San Mateo
MANILA, Philippines — Hindi naitago ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang kanyang matinding pagkairita sa dinatnang wasak-wasak at maputik na kalsada sa Patiis Road, Brgy. Malanday, San Mateo, Rizal.
Nabatid na halos 30 taon nang tinitiis ng mga residente ang pangit na kondisyon ng lugar dahil sa putol at hindi natapos na proyekto ng ahensya.
Ayon kay Dizon, iniutos na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pondohan ang natitirang 1.3-kilometrong bahagi ng kalsada na nagmumukhang rumaragasang ilog na maputik tuwing malakas ang ulan at maalikabok naman tuwing tuyo ang kalsada.
Target aniya nilang tapusin ang proyekto sa Hunyo 2027.
- Latest



















