Trump bibisita sa Pinas, para sa ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang nitong Miyerkules na bibisita sa Maynila si United States President Donald Trump para dumalo sa 49th ASEAN Summit sa susunod na buwan.
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na “confirmed” na ang pagbisita ng lider ng Amerika.
Ito ang magiging unang pagbisita ni Trump sa Pilipinas mula noong 2017, nang huling mag-host ang bansa ng ASEAN Summit.
Magugunita na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Trump nang bumisita siya sa White House noong Hulyo 2025.
Ang Pilipinas ang chair ng ASEAN ngayong taon at magho-host ng 49th ASEAN Summit at Related Summits mula Nobyembre 16 hanggang 18.
Gaganapin ang mga pangunahing pagpupulong sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Idineklara ang tatlong araw bilang special non-working days sa Metro Manila dahil sa inaasahang matinding trapiko at para na rin sa seguridad ng mga kalahok sa summit.
- Latest





















