Mansiyon ni VP Sara sa Davao City idineklarang agricultural land
MANILA, Philippines — Undervalued o hindi umano tumpak ang deklarasyon ng ari-ariang mansion ni Vice President Sara Dutertre na pinalabas na lupaing agrikultura sa Brgy. Catigan, Davao City.
Ito ang isiniwalat ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, miyembro ng prosecution panel matapos namang magpokus na lamang sa Article II o unexplained wealth o ang hindi maipaliwanag na paglobo ng kayamanan ni VP Sara.
Sinabi ni Chua na ang nasabing ari-arian na idineklarang lupaing agrikultura ay kinatitirikan ng mamahaling mansiyon ni VP Sara.
Ayon kay Chua, kung iinspeksiyunin ay hindi ordinaryo ang nasabing ari-arian dahil makikita ang karangyaan sa nasabing mansion na may dalawang swimming pool at may kalye na umano sa loob.
Samantala, sinabi ni Chua na ‘all-in” na ang prosecution panel sa “unexplained wealth” sa kaso ng impeachment laban kay VP Sara na sa paniniwala nila ay mas madaling maiintindihan ng publiko kasunod ng kanilang pagbawi sa tatlong Articles of Impeachment.
- Latest

















