Trader, driver tinodas sa gasolinahan

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi noon din ang isang trader at kanyang driver nang sila ay pagbabarilin ng dalawang armadong salarin habang nagpapakagasolina sa isang gasoline station sa Brgy. Nanyo, Panabo City, Davao del Norte, kamakailan.
Nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Lyndon Caliso, isang kilalang negosyante sa lungsod at opisyal ng isang kumpanya na konektado sa First Panabo Packaging Corporation at ang driver nito na si Rolando Mahinog.
Sa ulat ng Panabo City Police Station, bago naganap ang krimen, ala-1:40 ng hapon noong Biyernes ay kasalukuyang nagpapagasolina sa MyGas Station sa kahabaan ng Tadeco Road, Brgy. Nanyo ng lungsod ang mga biktima na lulan ng kulay itim na Toyota Hilux pickup truck (GAW-7136) nang lapitan ng dalawang armadong lalaki at pagbabarilin sa driver’s seat.
Matapos ang pamamaril sa mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek na sumakay ng isang hindi natukoy na sasakyan.
Sa pagresponde ng mga awtoridad sa crime scene ay nakita ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinusuri na rin ang kuha ng Closed Circuit Television (CCTV) footage upang makatulong sa imbestigasyon para matukoy ang mga suspect.
- Latest

















