^

Bansa

Trillanes laglag na bilang testigo ng prosekusyon

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na ihaharap ng prosecution panel si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV bilang testigo laban kay Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial sa Senado.

Sa ika-32 araw ng ­paglilitis, inihayag ni House lead prosecutor Gerville “Jinky” Luistro na tinanggal na nila si Trillanes sa listahan ng mga nakatakdang tumestigo kaugnay ng usapin ng umano’y unexplained wealth ni Duterte.

Humingi rin siya ng pang-unawa sa Senado kaugnay ng huli nilang desisyon na huwag nang iharap ang dating senador bilang testigo.

Gayunman, wala namang ibinigay na paliwanag si Luistro kung bakit i­nalis si Trillanes sa kanilang listahan ng mga testigo.

Noong Martes, nagtungo si Trillanes sa Senado at sinabing mayroon siyang mga bagong ebidensyang maihaharap laban kay Duterte at handa umano siyang tumestigo sa paglilitis.

Nauna ring hiniling ng prosekusyon sa ­Senate impeachment court na magpalabas ng subpoena para kay Trillanes kaugnay ng presentasyon ng ebidensya sa Article II, na tumatalakay sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman at mga isyu sa ­deklarasyon ng SALN ng bise presidente.

ANTONIO “SONNY� TRILLANES IV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with