PANOORIN: Marcos kay Sara: ‘Mahilig magsinungaling, mga buwaon’
MANILA, Philippines — Tinawag ni Pangulong Bongbong Marcos na 'buwaon' o 'sinungaling' si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pahayag nito na desperado umano ang administrasyon na pabagsakin ang bise presidente at pigilan ang 2028 elections, ayon sa Malacañang.
"Ang sabi po niya, 'yan po ay nonsense, fake news, mahilig magsinungaling, mga buwaon... Translate natin, sinungaling," ani Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing nitong Lunes, Setyembre 28.
Giit ni Castro, lahat ng akusasyon ni Duterte laban kay Marcos ay "walang basehan," kaya sinabi umano mismo ng pangulo na “nonsense” ang mga paratang nito.
Sa isang pahayag nitong Sabado, Setyembre 26, itinanggi ni Duterte na kilala niya si Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. at sinabing hindi raw siya tumanggap ng pera mula rito. Nauna nang sinabi ni Gracioso na nagpadala umano siya ng mahigit P2 bilyon sa bise presidente.
Ayon kay Duterte, isa lamang itong "media stunt" para buhayin ang "humihinang" impeachment case.
"The desperation of the administration to bring me down, push for Charter Change, prevent the 2028 elections, and cling to power is becoming increasingly diabolical," dagdag niya.
- Latest



















