Andres at Atasha, parehong abala

Mas busy talaga sa kasalukuyan sa cycling/biking si Andres Muhlach habang inaayos pa ang kanyang project ng mother studio niya, ang Viva Artists Agency.
Nung minsan ay nag-Palawan sila kasama sina Aga and Charlene Muhlach.
Kaya nga ang payat na ni Andres.
Ito ay habang naghahanda naman si Atasha Muhlach sa kanyang pagganap sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical na magbubukas sa Sept. 18, Newport Performing Arts Theater.
Hindi naka-distract kay Atasha ang pang-aatake ng mga troll sa pagkakapili sa kanya para sa nasabing role.
Itinuloy lang niya ang pagma-master ng kanyang gagampanang papel.
Bakit nga naman siya papaapekto kung pumasa siya sa audition.
Wala naman talagang magagawa ang mga basher/troll dahil dumaan siya sa tamang proseso para sa nasabing role.
- Latest






















