58th, tuloy ang pamamayagpag sa international stage

MANILA, Philippines — Patuloy ang tagumpay ng animated docu-film na 58th nina direk Carl Joseph Papa at Glaiza de Castro matapos itong mapili sa Busan International Film Festival sa South Korea ngayong Oktubre 6 hanggang 15.
Tampok sa 58th ang kuwento ni Reynafe Castillo na patuloy na pinaglalaban na kilalanin ang kanyang amang si Reynaldo “Bebot” Momay bilang isa sa mga 58 na biktima ng Maguindanao Massacre noong 2009.
Naipalabas na ang 58th sa iba’t ibang international film festival bago sumali sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong Agosto. May pa-North American premiere rin ang pelikula sa Manila International Film Festival sa Los Angeles ngayong buwan.
Isa rin ito sa walong pelikulang pasok sa shortlist ng Film Academy of the Philippines para sa posibleng isabak sa Best International Feature Film category ng 99th Academy Awards o Oscars.
- Latest

























