^

Metro

Manileño pinagsusuot ng mask

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa haze

MANILA, Philippines — Hinimok ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga Manileño na magsuot ng face mask matapos maitala ang hindi magandang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng lungsod dahil sa transboundary haze mula sa mga forest fire sa Kali­mantan, Indonesia.

Sa kanyang “Talk to the People” nitong Martes, sinabi ni Domagoso na nagtala ng “Very Unhealthy” na Air Quality Index (AQI) ang ilang monitoring station ng Manila City Government alas-6 ng umaga. Naitala naman ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) station sa Mehan Garden ang AQI na 231 o “Acutely Unhealthy.”

Payo ng alkalde, ang mga may iniindang karam­daman, senior citizen, buntis at mga estudyante na magsuot ng mask kapag kinakailangang lumabas.

Ayon kay Domagoso, dulot ang haze ng usok mula sa mga forest fire sa Kalimantan at Sumatra na tinatangay ng hangin patungo sa Pilipinas.

Inatasan niya ang mga kinauukulang tanggapan ng lungsod na patuloy na subaybayan ang air quality at direksyon ng hangin, habang nakaalerto naman ang Manila Health Department at pitong district hospitals para sa posibleng pagdami ng mga pasyenteng maapektuhan ng masamang kalidad ng hangin.

HAZE

MASK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with