^

PSN Showbiz

Angeline, may talk Show NA; Vice, mag-uumpisa na sa GMA!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Angeline, may talk Show NA; Vice, mag-uumpisa na sa GMA!
Vice at Angeline
STAR / File

Magkakaroon ng bagong talk show ang pambansang Power Diva na si Angeline Quinto na pinamagatang The Angeline Quinto Show, hatid ang masasayang kwentuhan at musical performances kasama ang ilang celebrity guests na mapapanood simula Agosto 27 (Huwebes) sa iWant.

Para sa first two episodes nito, bigatin ang makakasama ni Angeline bilang special guests: ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda na mag-uumpisa na sa Gandang Gabi Vice sa GMA, at ang Prince of Pop na si Erik Santos.

Unang makakasama ni Angeline si Vice sa pilot episode nito para pag-usapan ang kanyang pagsisimula sa showbiz hanggang sa makilala bilang host ng hit Kapamilya noontime show na It’s Showtime at maging isa sa box-office superstars ng bansa.

Sunod namang makikisali sa chikahan at kantahan si Erik sa next episode para naman balikan ang kanilang pagkakaibigan at ang mga pinagdaanan nila noon bago matamasa ang kasikatan sa entablado.

Kasabay rin ang bagong programa ni Angeline sa selebrasyon ng kanyang ika-15 taon sa industriya na nagsimula sa kanyang pagsalang sa reality-singing competition na Star Power hanggang sa makilala ngayon bilang Power Diva ng bansa.

Makisabay sa chikahan at kantahan kasama si Angeline sa The Angeline Quinto Show, na mapapanood ang unang episode sa Agosto 27 at ang kasunod nito sa Setyembre 24 (Huwebes) sa iWant.

Unang mapapanood ang episodes nito sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa United States* (*promo price hanggang Oktubre 31, 2026) at sa iba pang bansa.

Speaking of Angeline, paulit-ulit ang pa-thank you niya sa mga taong hindi aniya nagsasawa na suportahan at mahalin siya. “Kundi naman dahil sa kanila, wala naman akong ice-celebrate na 15 years kung wala sila,” sabi niya nang makausap namin siya sandali sa first anniversary ng Vibe+ ng TV5 last Saturday na handang-handa na sa kanyang 15th anniversary concert sa Aug. 22, sa Araneta Coliseum, Aquin5e.

Kabilang si Angeline sa napanood sa Vibe+ last Saturday na nag-celebrate ng kanilang first anniversary na magkakaroon ng part 2 sa Saturday, kung saan si Ogie Alcasid naman ang magiging guest.

ANGELINE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with