VAT exempted na mga gamot pinalawak ng BIR
MANILA, Philippines — Mas pinalawak pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang listahan ng mga gamot na exempted sa value added tax.
Ito ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ay base na rin sa naging rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA).
“By making healthcare more affordable, the government also supports better treatment outcomes and improves the quality of life of millions of Filipinos,” pahayag ni Mendoza.
Kabilang dito ay 708 gamot sa cancer; 537 sa hypertension; 331 sa diabetes; 300 sa mental illness; 172 sa high cholesterol; 152 kidney disease at 77 sa tuberculosis.
Sa kabuuan, nasa 2,277 na ang mga gamot na exempted sa VAT. Sabi ni Mendoza, malaking tulong ito sa mga maysakit.
Para sa karagdagang listahan, maaring bisitahin ang bir website.
- Latest



















