MSRP ng pulang sibuyas, itinaas sa P150/kilo

MANILA, Philippines — Itinaas ng Department of Agriculture sa P150 kada kilo ang maximum suggested retail price (MSRP) ng pulang sibuyas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, mula sa P120 kada kilo, magiging P150 kada kilo na ang MSRP ng red onions simula sa Disyembre 11 dahil sa aniya’y tumataas na export prices mula sa major supplier tulad ng China, Holland at China at paglakas ng dolyar kontra piso.
Nanatili naman sa P120 ang kada kilo ng yellow onions.
Sinabi pa ni Laurel na nakadagdag pa sa pagtaas ng import costs ang mahinang currency.
“The weakness of the peso against the US dollar is also part of the equation,” pahayag ni Laurel.
Hinikayat pa ni Laurel ang market players na sumunod sa SRP lalo’t tataas ang demand ngayong holiday season.
“We are hoping everyone will cooperate to ensure stable prices and supply given the demand during the Christmas season,” pahayag ni Laurel.
Ipinunto pa ni Laurel na hindi kailangan na umasa ang bansa sa ibang bansa lalo’t dinodomina na ngayon ng China ang import supply ng Pilipinas.
Ayon kay Laurel, sususpendihin ang lahat ng importasyon ng sibuyas sa Enero bilang paghahanda sa harvest season ng mga lokal na mga magsasaka.
- Latest



















