^

Bansa

Pinay, patay; mister, kritikal sa sunog sa United Arab Emirates

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pinay, patay; mister, kritikal sa sunog sa United Arab Emirates
Hindi na muna pinangalanan ni DMW chief Hans Leo Cacdac ang mga biktima ngunit sinabing ang lalaki ay isang skilled worker doon habang ang babae naman ay asawa nito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang Pinay ang nasawi habang kritikal naman ang kanyang mister sa isang sunog na sumiklab sa isang residential building sa Sharjah, United Arab Emirates (UAE).

Hindi na muna pinangalanan ni DMW chief Hans Leo Cacdac ang mga biktima ngunit sinabing ang lalaki ay isang skilled worker doon habang ang babae naman ay asawa nito.

Sinabi pa ni Cacdac na mayroon ding 11 pang Pinoy, na kinabibilangan ng dalawang paslit, ang inilikas mula sa nasabing nasunog na gusali.

Nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng mga biktima at hinihintay na lang nila ang go signal mula sa mga lokal na awtoridad upang maipauwi sa Pilipinas ang bangkay ng Pinay.  Kumpiyansa naman si Cacdac na makakarekober ang OFW na nasa kritikal na kondisyon.

Kaugnay nito, tiniyak ni Cacdac na ang mga biktima ay pagkakalooban ng pamahalaan ng Pilipinas ng kaukulang tulong pinansiyal, gayundin ng legal aid, sakaling kailanganin ito.

Batay sa ulat ng Khaleej Times, sumiklab ang sunog sa isang high-rise residential building sa Al Nahda sa Sharjah.

Bukod sa Pinay, may apat na iba pang indibidwal na nasawi sa sunog habang 44 pa ang nasugatan.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with