^

Bansa

Angkop na parusa vs maglalabas ng classified info, isinulong sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa kontrobersyal na isyu ng “PDEA leaks”, isinulong ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino ang Senate Bill No 2667, kilala rin bilang “National Security Information Clearance Act’ na naglalayong maingatan ang mga classified information at patawan ng mabigat o angkop na parusa ang mga maglalabas nito.

Sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, nilinaw ni Sen. Tolentino na hindi siya makikialam sa evidentiary at ultimate facts hinggil sa isyu ng PDEA leaks. 

Sa halip, ang kanyang pokus ay ang pangangailangang magtatag ng malinaw na batas tungkol sa classified information.

Binigyang-diin niya na sa kasalukuyan ay walang batas sa usaping ito, pero mayroong  umiiral na memorandum circular no. 78, s.1964 at executive order no. 608, s. 2007 na walang tiyak na parusa para sa mga paglabag.

Ani Tolentino, kailangan nang magkaroon ng batas na tutugon sa paghawak, pag-iimbak, pamamahagi at accounting ng classified information. 

“Wala tayong batas, administrative sanctions lang ang meron,” sabi ni Tolentino.

Kinumpirma ni Justice Undersecretary Raul Vasquez ang kakulangan ng mga umiiral na batas sa classified information, na nagsasaad na kung walang batas, walang krimen.

Dahil dito, hinimok ni Sen. Tolentino na isama sa committee report ang Senate Bill No. 2667 at isumite sa plenaryo para konsiderasyon.

Naniniwala siya na ang inisyatiba na ito ay makatutulong na punan ang mga puwang sa batas at tulong sa pagtugon sa mga katulad na isyu sa hinaharap.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with