Turismo nakarekober na matapos COVID-19 pandemic
MANILA, Philippines — Nakakarekober na ang turismo ng Pilipinas matapos ang pandemya sa COVID-19.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tourism summit, ito ay dahil sa pinalakas ng Department of Tourism (DOT) ang pagpapatupad sa Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) program.
Sa talaan ng DOT noong 2023, nasa 5.5 milyon na ang inbound tourists, mas mataas ng 15% kumpara sa 4.8 milyon target ngayong taon, habang sa unang apat na buwan ng 2024, nasa 2 milyon na ang tourist arrivals sa bansa.
“These numbers, and the accompanying visible increase in economic activities and commerce across our famous destinations, are a testament to the industry’s recovery,” ayon pa sa Pangulo.
Tiwala naman ang Pangulo na tuluyang aarangkada ang turismo sa bansa, kaya dapat na ituloy ang ugnayan ng gobyerno at ng pribadong sektor.
Hindi naman anya maikakaila na malaki ang ambag ng turismo sa revenue generation, job creation at pagpapalago sa ekonomiya ng bansa.
- Latest