^

Bansa

CIDG Chief Caramat palaban kontra ilegalista sa LPG sector

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang ganap na matuldukan ang mga ilegal na gawain sa sektor ng liquified petroleum gas (LPG), tumulong na rin ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang tugisin at mapanagot sa batas ang mga negosyanteng sangkot sa mga ito.

Mismong si CIDG Chief Police Major General Romeo Caramat, Jr. ang nakipag-usap sa mga miyembro ng Liquified Petroleum Gas Industry Association (LPGIA) at ilang kinatawan ng LPGMA Partylist para tiyakin ang ibayong suporta laban sa mga ilegal na aktibidad na ibibigay ng kanyang grupo.

“Mas maraming sorpresang pagsalakay sa mga ilegal na planta at pagawaan, mas maganda,” harapang banggit ni Caramat sa mga opisyales at kinatawan ng dalawang grupo sa kanilang pagpupulong kamakailan.

Sa unang bugso pa lamang kasi ng operasyon ng grupo ni Caramat, nalansag nito ang isang malaking bodega sa Consolacion, Cebu na pinagtataguan ng mga canister ng LPG (karaniwang ginagamit sa samgyup) na nagsilbing isang malinaw na babala sa iba pang gu­magawa ng mga ilegal na aktibidad.

Ang grupong lumusob sa bodega ay pinangunahan ni CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit head Police Col. Bernard Lao.

Ang Department of Energy (DOE), LPGIA at LPGMA ay matagal nang nagsama-sama para sugpuin ang mga ilegal na aktibidad sa kanilang sektor subalit marami pa ring nakakalusot dahil sa kawalan ng mga ito ng police power para magpatupad ng agarang disciplinary action sa mga maaaktuhan.

Hinihikayat naman ni Caramat ang mas malalimang kooperasyon ng mga nabanggit na asosasyon at ma­ging ang LPGMA sa pamamagitan ng pagtulong sa mga impormante nila na ma-locate ang mga kinaroroonan ng mga gumagawa ng ilegal.

vuukle comment

GAS

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with