^

Bansa

4-5 solons matitira sa exodus sa PDP-Laban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang exodus sa PDP-Laban kung saan posibleng apat hanggang limang Kongresista na lamang ang matira dito sa mga susunod na araw.

Ito ang malungkot na inihayag ni Surigao del Sur Rep. Johny Pimentel, Deputy Secretary General for Mindanao ng PDP-Laban na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Pimentel na sa kaniyang isinagawang headcount ay naniniwala siyang 4-5 solons na lamang ang matitira sa partido kung saan mayorya sa mga mambabatas ay naglipatan sa partido ng Lakas-CMD.

Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez  ang tumatayong Pangulo ng Lakas-CMD na siya ngayong nangungunang partido.

Nabatid na nasa 15 na lamang ang miyembro ng PDP sa Kamara kung saan sa pagsisimula ng 19th Congress ay nasa 65 ang mga mambabatas na kasapi.

Ipinahiwatig din ni Pimentel na nakatakda rin siyang lumipat ng partido pero hindi muna binanggit kung sa Lakas siya sasapi at sinabing abangan na lamang ang susunod na kabanata.

Nabatid pa na sa pa­nahon ng rehimen ni Duterte ay umabot sa 120 ang miyembro ng PDP-Laban.

“Ganoon talaga siguro ang kultura ng pulitika natin dito, whoever is in power, ay doon po duma­dagsa ang ika nga, mga pulitiko,” pag-amin naman ng solon.

vuukle comment

PDP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with