^

Bansa

Half-cup rice sa mga resto, ipatupad vs food wastage

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Half-cup rice sa mga resto, ipatupad vs food wastage
A bowl of rice.
Pixabay / mikuratv

MANILA, Philippines — Itinutulak ng Philippine Rice Research Institute ang pagpapatupad ng half cup rice sa lahat ng food establishments sa bansa para matugunan ang pagsasayang ng pangunahing pagkain sa Pilipinas.

Sinabi ni PhilRice Director Karen Eloisa Barroga, na 2.5 milyong Filipino ang napagkakaitan ng makakaing kanin kada taon dahil nasasayang lamang.

Habang ang naaaksayang bigas ay katumbas ng 10 gramo bawat tao o humigit-kumulang 385,000 metriko tonelada bawat taon na nagkakahalaga ng P7.2 bilyon.

Ito rin ang dahilan kung kaya ikinakampanya ng PhilRice ang programang “Be Riceponsable” na ang ibig sabihin ay maging responsable at kumuha lamang ng kanin na kayang kainin para hindi masayang.

“Ano po bang napapansin natin ‘pag may fiesta ‘no? Marami kasi… iyong sabi ng natin ‘takaw-mata’. So we are… actually the campaign says, get only what you need and what we have done in the past was to encourage a half cup serving as default ‘no,” pahayag ni Barroga.

Sinabi naman ni Doctor Hazel Antonio, Division Head ng Development Communication ng PhilRice, na nais nilang isama sa panukalang batas na bigyan ng sanction o pagbayarin ang mga hindi makauubos ng kanin para maiwasan ang pagkasayang nito.

Sa ngayon, umiiral na ang half cup rice policy sa 46 local government units kung saan kabilang ang Quezon City, Manila, Puerto Princesa, Davao, Cebu, Baguio, Iloilo at iba pa.

PHILIPPINE RICE RESEARCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with